Ang Cold War ay panahon ng tensyong politikal at tensyong militar na naganap pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay nangyari mula 1945 hanggang 1991 dahil sa tensyon ng kompetensiya sa ekonomiya, di pagkakasundo ng mga politiko, at tensyong militar. Paano nakaapekto ang cold war sa buong daigdig?
Namuo ang digmaan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pagitan ng Estados Unidos at mga kaalyado nito at sa kabilang panig ang mga pangkat ng mga bansa sa pamumuno ng Unyong Sobyet. Walang tuwirang alitang militar ang dalawang makapangyarihang bansa. Sa halip, umiral ang labanang pandiplomatiko at pangkabuhayan at hidwaan tungkol sa ideolohiya at kanlurang kapitalismo laban sa komunismo ng Silangang Europa.
Sa panahon ng digmaan, kakaiba ang kalagayan ng mundo. Sa dalawang panig, may paulit-ulit na pagbabanta sa bawat isa sa pamamagitan ng paniniktik gamit ang intelligence agencies, elektronikong kasangkapan, matataas na lipad ng eroplano at spacecraft. Naapektuahn din ang mga mamamayan dahil sinisira ang karapatan nila sa pamamagitan ng pahayagan, propaganda, radyo at telebisyon.
Ang paghihirap ng Cold war ang humubog sa mga kasalukuyang pangyayari. Walang tuwirang alitang militar ang dalawang bansa (Amerika at Unyong Sobyet). Naging labanan ito ng ideolohiya at tinawag na Cold War dahil walang naganap na putukan o tuwirang komprontasyon sa pagitan ng dalawang bansa.