Pagsasanay
Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na mga payak na pangungusap. Bilugan ang simuno/mga simun
salungguhitan ang panag-uri/mga panaguri. Pagkatapos isulat sa patlang ang:
PS-PP - kung may payak na simuno at payak na panaguri
PS-TP - kung may payak na simuno at tambalang panaguri
TS-PP - kung may tambalang simuno at payak na panaguri
TS-TP - kung may tambalang simuno at tambalang panaguri
Halimbawa: PS-PP 1. Si Kris ay mahusay magsalita.
1. Ang tito, tita, at mga pinsan ko ay magbabakasyon sa Boracay.
2. Si Andres ay nagising, bumangon, at dumungaw sa bintana.
3. Si Ginang Trinidad at ang kanyang tatlong anak ay pumunta sa grotto at nag-alay ng
imahen.
4. Ang guro at ang mga mag-aaral ay nagpasalamat sa doktor.
5. Ang Koran ay ang banal na aklat ng mga Muslim.​