adcasting Station Broadcast Media entaryong pantelebisyon Pelikula Bibliograpiya SES Suggested Timeframe Learning Activities А. Paunang Pagsubok PANUTO: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. 1. Naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan. A. babasahing popular B. dokumentaryong pampelikula C. dokumentaryong panradyo D. dokumentaryong pantelebisyon 2. Isang uri ng broadcast media na nakatutulong sa pagpapalaganap ng kulturang Pilipino at nakapagpapaigting ng kamalayang panlipunan. A. Komiks B. pahayagan c. radyo D. telebisyon 3. Ang sumusunod na programa ay mabibilang sa dokumentaryong pantelebisyon maliban sa A. Ambulansiyang de Paa B. Art Angel C. Buto't balat D. Kawayang Pangarap 4. Ang sumusunod ay kilalang gumagawa ng dokumentaryo maliban sa isa: A. Kara David B. Howie Severino C. Mel Tiangco D. Sandra Aguinaldo 5. Ito ay tumutukoy sa kasalukuyang nagaganap sa loob at labas ng bansa. Naghahatid ng impormasyon sa mga kasalukuyang pangyayari sa ating mundo gamit ang telebisyon. A. balita B. reality show C. talk Show D. variety show