ano ang balak ni basilio para sa kanila mag ina ilarawan si basilio bilang anak at din ang nakatatandang kapatid​

Sagot :

Answer:

Isang mapagmalasakit at mabuting anak, isang mapagparaya at maalalahaning kuya at isang marangal na estudyante - ang mga ito ang makapaglarawan sa isa sa mga natatanging tauhan sa Noli Me Tangere, si Basilio. Bilang isang anak, siya ay mapagmahal at mapagmalasakit. Ipinakita sa kabanata kung gaano ang pag-aalala ni Basilio sa kanyang ina. Sa labis na pagmamahal dito ay hindi niya matatanggap na tinitiis lamang ni Sisa ang madalas na pananakit ng kanyang asawa. Sa katunayan ay mas pipiliin pa niyang sila na lamang tatlo nina Crispin at Sisa ang magsama-sama.

Explanation:

Sana makatulong po