Panuto: Basahin at suriingmabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang Tama kapag wasto ang diwa ng pangungusap at isulat ang Mali kapag hindi wasto. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Hindi dapat maging dahilan ng awayan ang pagkakaiba sa kasarian. 2. Ang mga payo ng magulang sa pakikipagrelasyon ay dapat pag-isipan at bigyan ng konsiderasyon. 3. Marapat itakda ang mga moral na batayan sa pakikipag-ugnayan 4. Hindi mahalagang makilala mo nang lubusan ang iyong makakasama sa buhay dahil ang mahalaga ay ang inyong pagmamahalan. . 5. Ang sekswalidad ay mabuti at sagrado. 6. Walang limitasyon ang pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian. 7. Walang kontrol ang tao sa kanyang.damdamin. 8. Ang sekswalidad ay may kaugnayan sa kaisipan, emosyon at ispiritwal na katangiang taglay ng pagiging babae at lalaki. 9. Ang hangarin ng Diyos sa pag-aasawa ay panghabang-buhay. 10. Ang live-in o pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan kahit hindi pa kasal ay isang eksperimento lamang, patas ang babae at lalaki sa sitwasyong ito. 11. Dapat maging malinaw sa isang tao ang kanyang pangunahing layunin sa buhay. 12. Maging mapanuri sa mga makabagong gawi na ipinakilala ng kabataan tungkol sa pakikipag-ugnayang sekswal. 13. Ang paggalang sa sekswalidad ay hindi pagpapatunay ng mataas na pagtitiwala at respeto sa sarili. 14. Isabuhay ang pagtitimpi upang mapigil ang sarili mula sa kapusukan. 15. Ang ating katawan ay tahanan ng ating Diyos.