Siyam na katao ang nasawi kabilang ang potograpo ng pahayagang Manila Times na si Ben Roxas at 95 na katao ang nasugatan. Sa simula, ang Pangulong Marcos ang itinuturong siyang may pakana nito ngunit makalipas ang ilang taon ay idiniin ni Major General Victor Corpus si Jose Maria Sison at sa pinamumunuan niyang kilusan na Partido Komunista ng Pilipinas bilang may utak nito ngunit ito ay itinatanggi ni Sison.