Renaissance
Gawain 1: Tamang Pili... Piling Galing!
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong at piliin ang pinakatamang kasagutan.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
1. Alin sa mga sumusunod na salita ang kasingkahulugan ng salitang Renaissance
na nagsimula noong ika-14 na siglo matapos ang gitnang panahon?
A. Muling pagsikat ng kasanayan ng Italya-Romano.
B. Muling pagsilang ng kaalamang Griyego-Romano.
C. Muling pagsimula ng kaalamang Griyego-Romano.
D. Pagkakaroon ng bagong kaalaman sa agham at relihiyon sa Europe.
2. Bakit sa Italya isinilang ang Renaissance? Ito ay dahil sa
A. mayaman ang kultura
B. maganda ang mga lugar at tanawin dito
C. maganda ang lokasyon nito para sa kalakalan
D. dito nakatira ang mga mayayamang tao at mahuhusay sa sining
3.Ano ang mahalagang papel na naitaguyod ng mga unibersidad sa panahon ng
Renaissance?
A. Pagkakaroon ng mga maharlikang angkan sa sining at kultura.
B. Pagbibigay ng pagkakataon sa mga taong mahihirap na makapag-aral.
C. Pagiging masigla ng mga kultura at sining ng sinaunang Griyego at Romano.
D. Pananatiling buhay ng kulturang klasikal at mga teknolohiya at
pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Giyego at Romano.
4. Sa paanong paraan naging mahalaga ang papel na ginampanan ng pamilyang
Medici sa pagpapalaganap ng Renaissance? Sila ang
A. mga mangangalakal na nagpayaman at tumulong sa mga mahihirap.
B. mga angkan na mayayaman na pinagmulan ng mga duke at mga papa.
C. nagpatayo ng pampublikong aklatan na sentro ng pag-aaral, pagsuporta
sa mga pintor at eskultor.
D. pamilya sa Florence Italya na nagpayaman at namayagpag sa
kapangyarihan tulad ng mga hari, reyna at papa.
5. Sa pagtatapos ng Middle Ages, sa paanong paraan nakaapekto ang Renaissance
sa kapangyarihan ng mga pinuno?
A. Nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang mga hari, samantalang ang
kapangyarihan naman ng simbahan ay sinimulang tuligsain.
B. Mas lalong lumakas ang kapangyarihan ng simbahan at mga namumuno dito
tulad ng papa upang diktahan ang mga hari at reyna.
C. Nanatiling pantay ang karapatan at kapangyarihan ng hari at ng simbahan
pagdating sa pangangalaga ng kabuhayan at ekonomiya.
D. Naging masigla ang kaisipang pilosopiya at relihiyon dahil sa pagtutulungan ng
mga hari at papa sa kanilang kaharian at nasasakupan.​