Panuto: Isa-isahin ang mahahalagang detalye sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna sa pamamagitan ng paglalagay ng letra upang mabuo ang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa kahon.
1. Ito ang panahon na lumaganap ang Ibong Adarna sa Pilipinas.
2. Kapangyarihang taglay ng mga tauhan sa korido.
3. Ito ay bansang pinagmulan ng Ibong Adarna.
4. Siya ang nanguna sa pagdala ng tulang romansa sa Pilipinas.
5. Akdang may paksang panrelihiyon.
6. Ito ay isang tulang romansa na may walong pantig sa bawat taludtod.
7. Tawag sa tiyempong mabilis sa pagbigkas ng Ibong Adarna.
8. Karaniwang tagpuan sa tulang romansa.
9. Karaniwang kaganapan na kinasasangkutan ng mga prinsipe at prinsesa.
10. Relihiyong pinalaganap ng mga Kastila sa Pilipinas na masisilayan sa akdang Ibong Adarna.