Sagot :
Answer:
Mga Patnubay sa Mabuting Paghuhugas ng Kamay
Ang paghuhugas ng kamay, kapag nagawa nang wasto, ay isang mahalagang kasanayan sa pansariling kalinisan sa katawan upang maiwasang makakuha at makapagpalaganap ng mga nakakahawang sakit.
Kailan tayo dapat maghugas ng ating mga kamay?
Bago hipuin ang mga mata, ilong at bibig
Bago kumain o humawak ng pagkain
Pagkatapos gumamit ng palikuran
Kapag nalagyan ang mga kamay ng mga inilalabas sa palahingahan, hal., pagkatapos umubo o bumahin
Pagkatapos humawak ng mga pampublikong instalasyon o kagamitan, gaya ng mga hawakan ng escalator, mga pindutan ng elevator o mga hawakan ng pinto
Pagkatapos magpalit ng mga lampin o humawak ng mga nadumihang bagay kapag nag-aalaga ng mga munti o may sakit na bata
Mga hakbang para sa mabuting paghuhugas ng kamay
Basain ang mga kamay sa tumutulong tubig
Maglagay ng likidong sabon at pagkuskusin ang mga kamay para makagawa ng bula
Alisin mula sa tumutulong tubig, pagkuskusin ang mga palad, likod ng mga kamay, pagitan ng mga daliri, likod ng mga daliri, mga hinlalaki, dulo ng mga daliri at mga pupulsuhan. Gawin ito nang kahit 20 segundo
Banlawan nang mabuti ang mga kamay sa tumutulong tubig
Patuyuin ang mga kamay nang mabuti gamit ang alinman sa malinis na cotton na tuwalya, papel na tuwalya o ang pantuyo ng kamay
Dapat na huwag muling direktang hawakan ang gripo gamit ang malilinis nang kamay
Maaaring isara ang gripo gamit ang tuwalya na ibabalot sa gripo; o
pagkatapos sabuyan ng tubig ang gripo upang linisin; o sa pamamagitan ng ibang tao
Mangyaring tandaan
Ang mga tuwalya ay hindi dapat pinaghihiraman
Ang mga gamit nang tuwalyang papel ay dapat na wastong itapon
Ang mga pansariling tuwalyang gagamitin pa ay dapat na itago nang maayos at labhan nang kahit minsan araw-araw. Mas mabuti ding magkaroon nang higit sa isang tuwalya para sa madalas na pagpapalit
Pahiran ang mga kamay ng 70-80% na solusyong alcohol upang disimpektahin ang mga kamay kapag walang magamit na pasilidad sa paghuhugas ng kamay