namuno sa pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng pilipinas naghimagsik siya dahil hindi pumayag ang mga paring espanyol na bogyan ng katolikong lobingan ang kanyang kapatid


Sagot :

Answer:

Pinamunuan ni Francisco Dagohoy o si Francisco Sendrijas sa totoong buhay, ang may pinakamatagal na rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagsimula ang pag-aalsa ni Dagohoy nang tanggihan ng kura paroko na si Gaspar Morales na bigyan ng Kristyanong libing ang kanyang kapatid na namatay. Pinatay niya ang pari at hinikayat ang mamamayan ng Bohol na bumangon at lumaban sa mga Espanyol. Namundok sila at nagtatag ng isang malayang pamahalaan sa kabundukan.

Ang panglang dagohoy ay mula sa dalawang salitang bisaya na "dagon" na sa tagalog ay agimat, at "hoyohoy" na sa tagalog naman ay hangin. Dahil sa Agimat na ito, kaya niyang tumawid ng isang bundok, at tumawid sa tubig ng di nababasa, kaya din niyang makakita sa madidilim na yungib at kaya din niyang mawala ayon sa kanyang kagustuhan.

Inabot ang kanyang pag-aalsa ng mahigit 85 taon.Nagsimula ito noong 1744 at nagtapos ng 1859. Ang nakatalo sa kaniya ay ang ekspedisyon ni Kapitan Manuel Sanz. Namatay man si Dagohoy ipinagpatuloy ito ng kanyang tauhan.