Iskor: A 1. Isulat sa patlang ang I kung tama at M naman kung mali. 1. Ang Pag-aalsang Agraryo ng 1745 ay isang pagkilos upang tubusin o bawiin sa mga prayle at mga orden ang mga lupang pamana sa ng mga ninuno o ancestral domain 2. Bilang kolonya ng Spain, hindi nakaligtas ang Pilipinas sa naganap ang tunggalian sa pagitan ng mga bansa sa Europe na tinawag na Six Years War. 3. Ang Confradia de San Jose ay isang kapatirang panrelihiyon na kinabibilangan ng mga Indio na itinatag ni Hermano Pule. 4. Si Magat Salamat ang magiting na anak ni Lakan Dula. 5. Si Gobernador Heneral Guido de Lavezares ang dagliang nag-utos na ibalik ng mga prayle ang mga naturang lupang pamana sa mga katutubo. 6. Patuloy ang hindi makatarungang pagbubuwis at pagmamalabis sa monopolyo ng tabako ng mga Espanyol sa mga Pilipino na naging dahilan ng pagsiklab ng kalat na rebelyon. 7. Sinakop ng mga Espanyol noong 1571 ang Maynila na pinamumunuan ni Lakan Dula. 8. Maituturing na pinakatanyag na pag-aalsang panrelihiyon mula Hunyo 1840-Nobyembre 1841 sa pamumuno ni Magat Salamat. 9. Nawala ang tinatamasang kapangyarihan ng mga dating pinuno ng mga barangay nang mapasailalim ang kapuluan sa kapangyarihanng Espanyol dahil dito ay may mga dating datu ng barangay ang nag-alsa upang maibalik ang kanilang kapangyarihan. 10. Kabilang sa mga nag-eklas ay ang mga Ilokano sa pangunguna ni Diego Silang kung saan nais niyang palitan ang pamunuan ng mga Espanyol sa llocos ng mga katutubo.