III. Panuto: Suriin kung TAMA O MALI ang sumusunod na pahayag tungkol sa alituntunin at
hakbang sa pagsulat ng ulo ng balita. Isulat ang sagot sa patlang.

13. Gumamit ng mga pantukoy sa panimula.

14. Gamitin ang pangalan tanyag man ito o hindi.

15. Gamitin ang kuwit sa halip na pangatnig at pantukoy.

16. Kunin ang mahahalagang salita upang gawing batayan sa pag-uulo.

17. Daglatin lamang ang mga salitang kilala at nakagawian nang daglatin.

18. Ang mga salitang gagamitin sa pag-uulo ay karaniwang nasa pamatnubay.

19. Iwasang maglagay ng pantukoy, pang-angkop at pang-ukol sa dulo ng linya.

20. Lagyan ng simuno at pandiwa ang ulo ng balita. Simulan ito sa pandiwa at
huwag sa simuno.