Panuto: Tukuyin ang layunin o dahilan ng may-akda kung bakit niya isinulat ang Noli Me Tangere batay sa pahayag na kaniyang winika. Piliin ang iyong sagot sa hanay B. Titik lamang ang isulat sa patlang. А 1. Ang kaniyang layunin kung bakit pinangahasan niyang gawin ang di na napangahasang gawin ng sinuman. 2. Dahilan kung bakit itinambad niya ang mga pagpapaimbabaw ng balatkayong relehiyon. 3. Dahilan ng pag-aangat ng tabing na kumakanlong sa maling sistema ng pamamalakad ng mga Espanyol 4. Dahilan kung bakit nais niyang ipaunawa sa kaniyang mga kababayan ang kanilang mga kahinaan at kapintasan a. Upang maipakilala ang karuwagan ng mga Pilipino b. Upang sagutin ang mga paninirang loob na matagal nang panahong ikinulapol sa mga Pilipino c. Upang maipakita kung ano ang nasa likod ng mga madaya at makasisilaw na pangako ng pamahalaan. d. Upang ipabatid na relehiyon ang nagpapahirap at nagmamalupit sa mga Pilipino e. Upang matigil ang panggamit ng Banal na Kasulatan bilang