Ano anong mga konsepto ng participatory governance

Sagot :

Answer:

PARTICIPATORY GOVERNANCE

Ay isang mahalagang paraan ng mamamayan para maisakatuparan ang kanilang iginigiit na pagbabagosa pamahalaan.oIsang uri na pansibikong pakikilahok kung saan angmga ordinaryong mamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan,dito ay Aktibong nakikipag-ugnayan ang mamamayan sa pamahalaan upang bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga hamon sa lipunan.

Ito ay uri ng ganitong pamamahala ay taliwas sa tinatawag na ELITIST DEMOCRACY– kung saan ang desisyon para sa pamamahala ay nagmumula lamang sa namumuno;ngunit may mga namumunong iniisip lamang ang sariling interes at hindi ng buong bayan.oAng Participatory Gov. ay magdudulot ng social capital o pagbuo ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan,civil socialist,mga mamamayan,na isang mahalagang elemento sa isang demokrasiya at mabuting pamamahala.

Mga paraan ng Participatory Gov. na maaring gawin upang mapaunlad ang isang bansa.1.Pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan.2.Pagsama sa mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa mga isyung mahalaga para sa bayan.3.Pakikilahok ng mga mamamayan kung sila ang kasama mismo sa pagbuo ng programa at paggawa ng mga desisyon ng pamahalaan.4.Pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala ay kung kasama sila ng pamahalaan s amismong pagpapatupad ng mga programa nito.

PAGSASAGAWA NG PARTICIPATORY GOVERNANCE

Ang mga sumusunod ay dalawang halimbawa kung paano isinagawa ang Participatory Governance

Case 1: (Porto Alegre,Brazil) Ang Participatory Budgeting bilang anyo ng Participatory Governance (Minos,2002)

Ang itinuturing na nagpasimula ng participatory governance sa mundo bilang modelo ng pamahalaan ay ang lungsod ng Porto Alegre sa Brazil.bago matupad ang Participatory gov.,nakaranas ang lungsod ng napakaraming suliraning nakaapektosa buhay ng mamamayan nito.hindi sapat ang kanilang budget para matugunan ang pangangailangan tulad ng serbisyong medical at imprastraktural.oTaong 1989 nang simulan ng pamahalaang lokal ng Porto Alegre ang pagkakaroon ng Participatory Gov.,particular na ang Participatory Budgeting.Sa prosesong ito,isinama ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan ng lungsod sa pagbalangkas ng badyet.

Ang layunin nito ay ang magkasamang balangkasin ng pamahalaan at ng mamamayan ang badyet ng lungsod,sa pamamagitan nito,naipaparating ng taumbayan ang kanilang mga pangangailangang nararapat paglagakan ng sapat na badyet.

Explanation:

sana makatulong