Answer:
Ang mga kontinente sa daigdig ay nabuo dahil sa cycle ng plate tectonics, na pinapagalaw ng mantle convection.
Explanation:
Ang crust ng daigdig ay nahahati sa mga plates na nakasakay sa ibabaw mantle. Dahil sa mantle convection, gumagalaw ang mga plates at nagiging sanhi ito ng kanilang banggaan. May dalawang uri ng crust – isang continental crust at isang oceanic crust. Ang mga oceanic crust ay lumulubog sa mga subduction zones kapag bumangga sa continental crust, habang ang mga continental crust naman ay bumubuo ng mga kabundukan kagaya ng Himalayas kapag nagbanggaan. Minsan, ang dalawang oceanic crust na nagbanggaan ay bumubuo ng mga kapuluan, kagaya ng Pilipinas.
Bago pa man mabuo ang mga kontinenteng pamilyar tayo sa kasalukuan (Americas, Eurasia, Africa, Australia, at Antarctica), ay may mga mas nauna pa rito, kabilang na ang Rodinia, Pannotia, at ang tanyag na Pangaea, na unang ipinakilala sa mundo ni Alfred Wegener.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa continental drift theory at plate tectonics, bisitahin lamang ang link na ito:
https://brainly.ph/question/2296716
#BrainlyEveryday