Panuto: Gamit ang mga ekspresyong nasa loob ng kahon ay ipahayag mo ang iyong konsepto at pananaw tungkol sa mga paksang nakatala sa bawat bilang.

1. Marahil ay narinig mo na ang pangaral sa iyo ng iyong ama’t ina na dapat magtapos ng pag-aaral upang magkaroon ng magandang bukas. Gasgas man, ngunit ito ang nananatiling magandang katotohanan ng mundo. Magandang kinabukasan ang dala ng edukasyon dahil makapagbubukas ito ng magagandang oportunidad sa sinumang seseryosohin ang bagay na ito.”

Sang-ayon sa…

___________________________________________________________________________________________________.

2. Maraming magagandang oportunidad ang naghihintay kung mayroong diploma ang isang tao at
magkakaroon ng magandang edukasyon. Kinakailangan ng mga kompanya ang mga nakapagtapos ng kolehiyo upang mas maging maganda ang takbo ng kanilang negosyo. Kapalit nito ay maayos na sahod at benepisyong makapag-aahon sa hirap ng iyong pamilya.

Sa bagay na iyan ay masasabi kong…..

____________________________________________________________________________________________​


Sagot :

Explanation:

1.Sang-ayon sa mga magulang,sila ang nakakaalam kung gaano ka hirap magbanat ng buto.Bilang mag aaral sila ay dapat sundin dahil ang lahat ng kanilang pangaral at disiplina sa atin ay para rin sa ikabubuti natin hindi lamang sa panahong nandyan pa sila na gumagabay sa atin kundi maging sa kinabukasan natin..Unawain natin ang kanilang paghihirap upang tayo ay makapagtapos ng pag aaral dahil ayaw nila na maging katulad tayo sa hirap na dinanas nila.

2. Sa bagay na iyan ay masasabi kong napakalaking pabor na ipinagpala ng Diyos sa taong nagpursigidong makapagtapos at karapatdapat na makatanggap ng malaking sahod..Ito ay nakakatulong hindi lamang sa kanilang pamilya kundi pati na sa ating ekonomiya dahil magagamit nila ang kanilang pinag aralan upang umunlad ang ating bansa.