A. Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat pangungusap. 1. Ang magandang kalagayan ng agrikultura at industriya ng Pilipinas ay napanatili matapos ang digmaan. 2. Ang Pilipinas ay pumasok sa mga kasunduan kasama ang Estados Unidos bilang paraan ng paglutas sa mga suliraning dulot ng digmaan. 3. Matindi ang pinsalang tinamo ng Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 4. Ang mga di-pantay na kasunduang nilagdaan ng bansa ay nagdulot ng suliranin. 5. Mas nakinabang ang bansa sa mga kasunduang kasama ang Estados Unidos. 6. Ang kahirapan ay lumaganap pagkatapos ng digmaan. 7. Lakas at impluwensiya ang ginamit ng Amerika upang maisulong ang sariling interes sa pakikipag-ugnayan sa bansa. 8. Ang renta mula sa base militar ay nakatulong sa Pilipinas. 9. Ipinagbawal ng Bell Trade Act ang panghihimasok ng mga dayuhan sa ekonomiya ng bansa. 10. Ang pagpapaunlad ng turismo ay pinagtuunang pansin para mapabilis ang pagbangon ng pambansang ekonomiya.