Answer:
Ang El Filibusterismo ay maituturing na nobelang may temang panlipunan.
Naisasalaysay at nailalahad nito ang mga sakit sa lipunan o tinatawag nating "cancer" sa lipunan sa Pilipinas noong Panahon ng mga Espanyol at problemang may kaugnayan sa bayan.
Masasalamin sa nobela ang mapapait na karanasan at maging damdamin ni Rizal upang lalong maipakita sa bayan ang kaniyang pagmamahal hindi lamang sa bayan kundi pati na rin sa kanyang mga kababayan.
Ipinakita rito ang mga layunin ni Rizal sa pagsulat ng nasabing akda bilang isang dakilang bayani at isang manunulat.