TOPIC:EPEKTO NG ONLINE LEARNING SA MGA MAG-AARAL
Maraming benepisyo ang online class, lalo na sa panahon ng pandemya. Ang mga mag-aaral ay nakakapag-aral na nasa seguridad ng kanilang mga bahay. Bukod dito, mas nagiging komportable ang mga estudyante dahil sila ay nasa bahay lamang. Higit sa lahat, lahat ng kanilang pangangailangan at katanugan ay madali lang ma hanap sa tulong ng internet.
Subalit, kahit marami ang benipisyo nito, may mga negatibong epekto rin ang online class. Ang ilang estudyante ay hindi nakakapokus o sa ibang bagay nakatuon ang atensyon. Hindi rin lahat ng estudyante ang may kakayahang makapag-aral sa online class dahil sa iba’t-ibang dahilan.
Sa kasalukuyang panahon, marami na ang nagbago dahil sa pandemyang, COVID-19. Pati ang pagpasok sa paaralan ay nagbago na rin gumagamit tayo nang mga gadgets at ang klase ay nasa online class na rin.
Ito ay kung saan ang mga estudyante at guro ay mag tuturo sa pamamagitan nang video call at online modules. Pero, marami na rin ang nahihirapan dahil sa online class. Ang mga guro at estudyante ay parehong may kahirapan sa bagong pamaraan ng pag-aaral.
Pero, dahil nasa pandemya tayo, ito ang pinaka-ligtas na paraan para maitaguyod ang edukasyon ng mga kabataan.
Explanation:
Sumasali po kase sa journalism nung sa elementary pako kaya alam ko kung paano gumawa neto.