Gawain 2: TAMA O MALI
Panuto: Tukuyin ang bawat pangungusap kung alin ang tama o mali. Isulat ang Tama kung tama
ang pahayag at Mali kung ito naman ay mali.
1. Sinasabi na malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga probinsya ay
umaasa sa agrikultura.
2. Isa sa pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang
pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang mga ani.
3. Ang agrikultura ay itinuturing na primaryang sektor ng ekonomiya dahil ito ang
pinagmumulan ng hilaw na materyales.
4. Ang Pilipinas ay isa sa itinuturing na pinakamayamang bansa kung ang pag-uusapan
ay likas na yaman.
5. Ang sektor ng agrikultura ay mahalaga sapagkat ito ay pinagkukunan ng materyal
para makabuo ng mga bagong produkto.
6. Ang Pilipinas ay nagluluwas ng mga HILAW NA SANGKAP NA pinagmumulan ng
kitang dolyar.
7. Ang sektor ng agrikultura ay katuwang ng pamahalaan sa pagpapalakas at pagtugon
sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan mula sa mga pagkain
hanggang sa mga sngkap ng roduksiyon.
8. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa-
buong mundo.
9. Sa tatlong uri ng panggisdaan na komersyal, munisipal, at aquaculture ang
komersyal ang itinuturing na siyang pinagmumulan ng pinakamalaking produksiyon
noong taong 2012.
10. Nakatutulong ng malaki sa mga Pilipino ang sektor ng agrikultura dahil sa ito ang
pangunahing nagbibigay ng trabaho.​