Panuto: Batay sa binasang buod ng Ibong Adarna mula sa Aralin 10-13 suriin natin ang

pagkatao ng bawat tauhan na nabanggit sa bawat kabanata. Bilugan ang letra ng tamang

sagot.

1. Sa hirap na dinanas ni Don Juan dulot ng pagtataksil ng kaniyang mga kapatid tanging ang

pagdarasal sa Mahal na Birheng Maria ang kaniyang naging sandalan sa gitna ng

paghihirap. Si Don Juan ay mayroong ___________ sa Mahal na Birheng Maria.

a. hinanakit c. pananampalataya

b. takot d. pangamba

2. Dahil sa pagnanais na maging hari ng Berbanya, nagawang magtaksil ni Don Pedro sa

tulong ni Don Diego na saktan ang bunsong kapatid upang mapasakanila ang Ibong

Adarna. Si Don Pedro ay ______________ sa kapangyarihan.

a. ganid c. natutuwa

b. sabik d. nagagalak

3. Dahil sa ginawa nina Don Pedro at Don Diego, kahit na naiuwi ang Ibong Adarna sa

kaharian ng Berbanya hindi ito umawit para mapagaling si Haring Fernando. Ang Ibong

Adarna ay ___________ sa tunay na nagmamay-ari sa kaniya.

a. takot c. nagmamahal

b. tapat d. nasasabik

4. Sa gitna ng paghihirap ni Don Juan dahil sa pagtataksil ng kaniyang mga kapatid sa kanya

ay dumating ang isang matandang ermitanyo upang gamutin si Don Juan ng walang

hinihinging kapalit. Ang matandang ermitanyo ay isang ______________ na nilalang.

a. mapagsamantala c. matulungin

b. magnanakaw d. nakakatakot

5. Sa pagkakasiwalat ng katotohanan sa sinapit ni Don Juan at ginawa nina Don Pedro at Don

Diego nagpasya si Haring Fernando na ipatapon ang dalawa kahit na sila ay mga anak nito.

Ang hari ay naniniwala sa _______________ kaya’t dapat maparusahan ang mga

nagkasala.

a. milagro c. kapatawaran

b. katarungan d. pagkapantay-pantay​