2. Pumili ng isa sa mga tunggalian sa ibaba: A. Sino ang karapat-dapat na Umupo sa Kabisera, ang tampok sa Pagdiriwang (Si Crisostomo Ibarra) o ang Kura-Paroko (Padre Damaso)? B. Sa naudlot na pag-iibigan ng dating magkaulayaw, sino ang dapat na magdala ng pananagutan, ang binata (Crisostomo Ibarra) o ang dalaga (Maria Clara)? C. Sa usapin ng pagtatanggol sa naaapi, may sala ba sa pagkamatay ng artilyero si Don Rafael Ibarra o wala? 3. Kapag nakapili na ng isa sa mga tunggaliang nabanggit sa itaas, gamitin ang kaalaman batay sa nabasang bahagi ng nobela upang lumikha ng iskrip ng isang mock trial na may kinalaman sa nasabing paksa. 4. Ang mock trial ay dapat na binubuo ng mga pahayag at pangangatuwiran ng nasasakdal at nagsasakdal, at sa huli ay ang pinal na desisyon ng hukom para sa nasabing tunggalian. 5. Ang iskrip ay dapat na magtuon sa napiling tunggalian.