Sagot :
Pagpunta o Lugar sa Langit:
Oo, naniniwala ako na kailangan na paghirapan ng tao sa mundo ang pagpunta o lugar niya sa langit.
Tatlong Mahahalagang Katanungan:
- Saan tayo nanggaling?
- Bakit tayo naririto sa mundo?
- Saan tayo pupunta matapos ang buhay natin dito sa mundo?
Saan tayo nanggaling?
Malinaw na isinaad sa Bibliya na ang tao ay nilalang ng Diyos na kawangis niya. Ito ay mababasa natin sa aklat ng Genesis, kabanata 1 talata 26 hanggang 27. Ang lahat ng tao ay bumaba mula sa langit nang sila ay ipinanganak dito sa lupa ay pinagkalooban ng kanya kanyang pamilya na mag aaruga at kakalinga sa kanya. Sapagkat tayo ay nilalang na kawangis ng Diyos, meron tayong buto at balat na bumubuo sa ating katawan.
Upang higit na maunawaan ang ating pinanggalingan, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/53673
Bakit tayo naparito sa mundo?
Sa kaparehong aklat at kabanata ng Genesis sa Bibliya, sinabi na ang tao ay pinagkalooban ng Diyos ng kakayahan na magparami at maging masagana upang paunlarin ang mundo at maging tagapamahala nito kabilang na ang lahat ng mga halaman, hayop, at nilikha na makikita rito. Ang lahat ng ito ay napangyari matapos na si Eba at Adan ay matukso na kainin ang bunga ng ipinagbawal sa kanila ng Panginoon. Upang mapatunayan ang kanilang sarili na karapat dapat sa presensya ng Diyos at makabalik sa kanyang piling, kinakailangan na sila ay manirahan sa mundo at subukin.
Upang higit na munawaan kung bakit tayo isinilang sa mundo, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/2075529
Saan tayo pupunta matapos ang buhay natin sa mundo?
Ayon sa Bibliya, ang lahat ng tao ay tatanda at mamatay. Sa ating kamatayan, tayo ay huhusgahan kung karapat dapat na makabalik sa presensya ng Diyos sa langit. Kaya naman kaugnay sa katanungan kung kailangan bang paghirapan ng tao sa mundo ang pagpunta o lugar niya sa langit? ang tugon ko ay OO. Sapagkat kailangan natin na patunayan ang ating sarili kung tayo ay karapat dapat sa piling niya. Ang mga taong naghirap at nagsumikap upang matugunan ang kwalipikasyong ito ay ang siya lamang makakapunta o magkakaroon ng puwang sa langit.
Upang higit na maunawaan ang ating paroroonan matapos ang buhay natin sa mundo, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/318450