PINATNUBAYANG PAGSASANAY 1 PANUTO: Tukuyin ang mga tagpong pumukaw sa iyong damdamin. Lagyan ng hugis puso (Ⓡ) kung ito ay nagpapakita ng masidhing damdamin at bilog (•) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Isang araw ay natanaw ni Estong ang isang guwardiya sibil na hinatiran ng pagkain ng kaniyang Ina. Nakita niya ang wagas na pagmamahal ng Ina nito sa kaniyang anak. 2. Isinalaysay ni Estong ang kaniyang mga paghihirap tulad ng kakulangan sa pagkain, madalas na pang-aalipusta ng mga tao sa kapaligiran at ang kawalan ng kumpiyansa sa sarili dahil sa kahirapang taglay. 3. Nang mapansin siya ng guwardiya sibil ay ipinagtabuyan siya nito at pinabalik sa kumpulan ng mga tao. 4. Nakita ni Prinsipe Enzo ang hirap na dinaranas ng pamilya ni Estong kaya nagdesisyon siyang tulungan ito. Isinanla niya ang kaniyang singsing at ginamit ang salapi upang matulungan ang pamilya ni Estong. 5. May mga pagkakataon na nakalilimutan ni Prinsipe Enzo na siya ay si Estong kaya madalas siyang mapuna ng kapatid niyang si Tinay. 6. Sa kabilang banda naman ay masayang-masaya si Estong sa pagtamasa sa yaman na mayroon ang Prinsipe. Nakakain na niya ang mga gusto niyang pagkain. Nagagawa ang mga nais niyang gawin. _7. Muling nagsalita si Prinsipe Enzo, "Nais kong maging malaya. Ayoko nang makulong sa mga utos ng Hari." fra 8. Sa pag-uusap na naganap ay nagkasundo ang dalawa na magpalit ng katauhan, si Estong ay naging si Enzo at si Enzo ay naging si Estong. 9. Gulat na gulat ang dalawa nang sila ay magkaharap. Walang itulak kabigin ang kanilang pagkamangha sapagkat silang dalawa ay tila pinagbiyak na bunga. 10. Hindi naman talaga nakadepende sa yaman ang kaligayahan bagkus nasa sarili natin itong pananaw