Sagot :
Answer:
ISAGANI
Buong tapang na ipinahayag ni Isagani kay Padre Fernandez na tanging hiling ng mga mag-aaral na tumupad ang mga guro sa kanilang tungkulin tulad ng bigyan ng makabagong kaalaman ang mga mag-aaral at pasiglahin ang kanilang kawilihan sa pag-aaral. Sinabi rin ni Isagani na nananatiling mangmang ang mga Pilipino dahil sa sabwatan ng pamahalaan at mga prayle. Sa huli'y hinamon ni Isagani si Padre Fernandez na sila'y magbago para ang mga mag-aaral ay magbago rin.
PADRE FERNANDEZ
Kinagigiliwan ni Padre Fernandez si Isagani at sa kanya isinalasat ng binata ang mga tanging hiling ng mga kabataan. Sa huli ay hinamon siya ni Isagani na sila'y magbago para ang mga mag-aaral ay magbago rin.
KABESANG TALES
Matapos hawanin, linangin, at mapaunlad ang bahagi ng madawag na kagubatan ay inangkin ng mga prayle ang lupaing pinaunlad niya. Taon-taon ay tinataasan ng prayle ang buwis ng lupa ni Kabesang Tales kung kaya't humantong sa hangganan ang kanyang pagtitimpi. Lumaban siya ngunit natalo ito sa usapin at ang kanyang pinaghirapang lupa ay napunta sa iba.
SIMOUN
Pumunta si Simoun sa bahay ni Padre Florentino matapos na siya ay mabigo na pabagsakin ang pamahalaan. Nagtapat si Simoun sa prayle na siya ay si Crisostomo Ibarra at isiniwalat rin niya ang kanyang mga balakin na mapabagsak ang pamahalaan. Kalauna'y uminom ng lason si Simoun sapagkat mas nanaisin pa raw ng binata na mamatay kaysa mahuli ng buhay.
PARI FLORENTINO
Buong puso na tinanggap ni Padre Florentino si Simoun at ginamot ang mga sugat nito. Siya ang sinabihan ni Simoun ng tunay nitong pagkatao at nagbigay paliwanag kay Simoun kung bakit hindi ipinagkaloob ng Diyos na magtagumpay ito sa kanyang layon sa bayan at pamahalaan. Kalauna'y natuklasan ni Padre Florentino na nagpakamatay si Simoun at kanyang inihagis sa karagatan ang kayamanang naiwan nito.