Pagsasanay 1 Panuto: Lagyan ng tsek (1) ang mga bilang na nagpapahiwatig ng sanhi at bunga at ekis (x) ang hindi. 1. Napakalakas ng bagyong Rolly kaya nasira ang mga pananim at kabahayan. 2. Nahawa at nagkasakit siya ng COVID 19 sapagkat hindi siya nagsusuot ng face mask at faceshield 3. Gusto kong maligo sa dagat kasama ang aking mga kaibigan 4. Ayaw ni Arjun na naaapi kaya mahigpit ang pagtutol niya sa pang-aabuso. 5. Lagi siyang tumutulong sa bahay kaya tuwang-tuwa ang kanyang mga magulang. PAGTATAYA Panuto: Ilagay sa hanay A kung ang pahayag ay sanhi at B naman kung bunga. Isulat ang iyong sagot sa nakahandang dayagrama sa ibaba. Halimbawa: Palaging nagsusuot ng facemask si Lily kaya hindi siya nahawaan ng sakit. Hanay A(Sanhi) Hanay B (Bunga) Palaging nagsusuot ng face mask si Lily Hindi siya nahawaan ng sakit 1. Maraming langaw sa paligid dahil sa mga nakatambak na basura. 2. Malusog ang mga anak ni Tiffany dahil kumakain sila ng mga masustansyang pagkain. 3. Nahawaan ng sakit naCoVID si Chandro dahil gumala siya sa mall na walang suot na face mask. 4. Nangangamba ang mga tao baka hindi na mawala ang sakit na COVID. 5.. Nagtapos ng kursong Medisina si Tiffany dahil siya ay nagsumikap mag-aral. Hanay A (SANHI) Hanay B (BUNGA) 1. 2. 3. 4. 5.