ARPAN Panuto: 1.Isulat ang titik D kung mali ang pahayag at S naman kapag wasto ang isinasaad ng pahayag. _______1. Likas na palakaibigan ang mga katutubong Filipino kung kaya magiliw ang kanilang pagtanggap sa mga dayuhan. _______2. Malakas ang puwersang Espanyol kaya nagawa nitong sakupin ang Pilipinas. _______3. Nabigo ang mga katutubong Pilipino sa pagpigil sa mga dayuhang espanyol na sakupin ang kanilang pamayanana dahil sa napakaraming bulng ng mga ito. _______4. Dahil sa kakulangan sa pondo, mga itak at pana lamang ang sandata ng mga katutubo sa kanilang pakikipaglaban sa mga mananakop. _______5. Ang pagiging watak-watak ng ating mga katutubong ninuno ang isang dahilan kung bakit hindi man lamang sila nakabuo ng isang malakas na alyansa laban sa mga mananakop. _______6. Ang kawalan ng sentralisadong pamahalaan ng bansa ang nakitang pagkakataon ng mga Espanyol upang gamitin ang taktikang divide and rule. _______7. Duwag ang mga taga-Visayas at taga Luzon kaya madali silang nasakop ng mga Espanyol. _______8. Ang mga katutubong Filipino ay madaling mapaniwala kaya sila nalinlang ng mga Espanyol. _______9. Hindi karapat-dapat na namuno sa Maynila sila Rajah Sulayman, Lakandula at Rajah Matanda sapagkat nagpatalo sila sa mga dayuhan. _______10. Narating ng Ekspedisyon ni Legazpi ang Samar noong Pebrero 13, 1565.