1. Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng buwis ay makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon,murang programang pangkalusugan at iba pa. Ang pahayag ay isang halimbawa ng pagiging:
Mapanagutan Maabilidad Maalam Makabansa
2. Dapat nating suriin ang mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga ito. Ang pahayag ay isang halimbawa ng pagiging:
Mapanagutan Maabilidad Maalam Makabansa
3. Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa. Ang ganitong konsepto ay nagpapakita ng pagiging:
Mapanagutan Maabilidad Maalam Makabansa
4. Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat nating sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan. Ang pahayag ay napapamalas ng pagiging:
Mapanagutan Maabilidad Maalam Makabansa
5. Ang paglaban sa anomalya at korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala. Mahalagang itaguyod ng mga mamamayan ang kultura ng pagiging tapat sa pribado at publikong buhay.Ito ay nagpapahayag ng pagiging:
Mapanagutan Maabilidad Maalam Makabansa
6. Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang produkto. Dapat nating tangkilikin ang mga produktong Pilipino. Ito ay nagpapahayag ng pagiging:
Mapanagutan Maabilidad Maalam Makabansa
7. Dapat ay magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad. Ang pahayag ay napapamalas ng pagiging:
Mapanagutan Maabilidad Maalam Makabansa
8. Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa.