Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung anong karapatan ng mga bata ang ipihahayag o ipinagkakaloob. Isulat lamang ang TITIK ng tamang sagot buhat sa Sampung (10) Karapatan ng mga bata sa bansa.
_____1. Binigyan ang mga kabataan ng pagkakataon na marinig ang kanilang mga hinaing at boses ukol sa isyu ng pangaabuso at isinaalang-alang naman ito ng mga mambabatas.
_____2. Ulilang lubos na si Mario, kaya mula sa bahay ampunan ay pinatira siya sa tahanan ng mga umampon sa kanya,
itinuring at inalagaan siya gaya ng tunay na anak.
_____3. Responsableng ina si Betty sa kanyang mga anak, kaya naman sinisiguro niya na maayos at masustansya ang
pagkain na kanyang inihahanda para sa mabuting kalusugan ng mga ito.
_____4. Masaya sina Albert at Aldwin dahil pagkatapos ng kanilang gawain ay pinapayagan silang makapagrelaks,
makapaglaro at makapaglibang-libang.
_____5. Sa kabila ng kahirapan sa buhay sinisikap ni Mang Felix na mabigyan ng baon sa araw-araw at makapasok sa
paaralan ang kanyang mga anak.​