"BAYANI"
Ako’y manggagawa; butyl ng buhangin

Sa daa’y panambak, sa templo’y gamit din;

Buhay ko’y sa Diyos utang nga marahil

Ngunit ang palad ko’y utang din sa akin

Alam ko ang batas; Tao, manggagaling

Sa tulo ng pawis ang iyong kakainin.



Ako ang nagbangon sa Gresya at Roma

Ako ang nagbagsak ng palalong na Troya;

Ang mga kamay ko’y martilyo’t sandata;

Pambunot, panggiba ng ano mang pita

Sa tulo ng aking pawis kinukuha

Ang kanin ng dukha’t rangya ng may kaya.



Ang mga gusali, daan at sasakyan

Ang niyaring lahat ng bakal kong kamay

Sa likha kong langis, sa uling, sa bakal

Biglang naghimala ang pangngalakal;

Ngunit sumisidhi rin ang paglalabanan

Ng buhay ng tao’t ng ari-arian.





1.Sino ang bayaning tinutukoy ng may-akda?

2.Anu-anong uri ng mga manggagawa/propesyon ang masasalamin sa tula? Isa-isahin ang mga ito.

3.Kanino daw utang ng tao ang kanyang buhay?

4.Kanino naman daw utang ng tao ang kanyang kapalaran? Patunayan

5.Ano ang batas na tinutukoy ng may-akda?

6.Isa-isahin ang mga bayaning tinutukoy ng may-akdasa tulang bayani.

7.Ano ang katuturan ng paglalarawan? Gamitin ang sariling salita.​