Sagot :
Answer:
Ano ang buong pangalan ni DR. Jose Rizal
Ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal
JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO Y ALONSO REALONDA
Ang pangalan ni Dr. Jose P. Rizal ay may kahulugan
1. Jose
• Dahil katoliko ang pamilya ni Jose Rizal pinangalanan siyang Jose upang bigyang pugay ang patron na si San Jose.
2. Protacio
• Ito ay hinango sa pangalan pa din ng isang patron sa kalendaryo na kung saan natapat ang pista ni San Protacio sa kaarawan ni Jose noong ika-19 ng Hunyo.
3. Rizal
• Ito ay nagmula sa salitang “ Recial” . Ito ay salitang espanyol na ang ibig sabihin ay luntiang bukirin.
• Rizal ang ginamit ng pamilya sapagkat mayroong ipinatupad ni Gobernador Heneral Narciso Claveria na ipatupad ang “ Claveria Decree” na kung saan ang bawat pilipinong pamilya ay pumili ng apelyido base sa listahang naayon sa wikang Espanyol.
4. Mercado
• Ito ang tunay na apelyido ng ama ni Jose Rizal. Ito ay hango sa espanyol na salita na Mercado na ang ibig sabihin ay palengke o pamilihan.
5. Alonzo
• Ito ang unang apilyido ni Dona Teodora Alonzo Realonda.
6. Y – ang ibig sabihin ay at
7. Realonda
• Ito ang kinuhang apilyido ni Dona Teodora noong ipinatupad ang utos ni Gobernador Heneral Narciso Claveria na papanatilihing lahat ng apilyido at ang kinuha niya ay ang pangalan ng kanyang ninang na Realonda.
Explanation: