Anong uri ng parusa ang ipinagbawal ni Carlos Maria de la Torre? ​

Sagot :

Answer:

Ang Liberalismo ni Carlos Maria dela Torre (1869-1871)

Ipinadala ng Espanya sa Pilipinas si Carlos Maria dela Torre upang manungkulan bilang gobernador. Siya ay isang Espanyol na liberal ang kaisipan. Nanungkulan siya mula 1869 hanggang 1871 at sa loob ng panahong ito, nahikayat niya ang mga makabayang Pilipino na pag-usapan ang mga suliranin ng bansa upang ang mga ito ay maituwid.

Inalis niya ang mga tanod sa palasyo at 'censorship', at nakihalubilo siya sa mga tao. Kinapootan siya ng mga prayle at ng mga alagad ng mga ito dahil ayaw nilang matuto ang mga katutubong mamamayan ng mga maunlad at liberal na kaisipan.

Lalo silang nainis sa gobernador ng alisin nito ang parusang pamamalo, at itinaguyod ni dela Torre ang malayang pagpapahayag at malayang pag-uusap sa mga bagay na nauukol sa politika. Napoot sila nang hikayatin ng gobernador na humingi ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan ang mga Pilipino.