Sagot :
Answer:
Ano ang dahilan, paraan, at epekto ng pananakop ng mga kanluranin sa indonesia?!
Pinangunahan ng mga Portuguese ang listahan ng mga kanluranin na bansang nakipagkalakalan sa mga Indones. Layunin nila na masarili ang supply ng mga spices gaya ng cloves, java pepper at cloves.
Sumunod na dumating ang mga British at Dutch. Matagal na hinawakaan ng mga dutch ang Indonesia sa pamamagitan ng pagtatayo ng Dutch East India Company na naging pinaka makapangyarihang simbulo ng kanluraning kolonyalismo sa bansa. Bagamat lumakas ang kalakalan dahil dito, patuloy na nagkaproblema ang mga Dutch sa iba’t ibang tribo ng Indonesia dahil sa kanilang isinasagawang expansion. Ilan sa mga digmaang naganap ay ang Java War, Padri War at Aceh War. Ang paggising ng kaisipan ng mga mamamayan ay nagsimula noong ipatupad ang Dutch Ethical Policy na naglalayong iangat ang kabuhayan ng mga katutubo gamit ang pag-aaral. At gaya ng nangyari sa Pilipinas, ito ay nagbigay ng national consciousness sa mga mamamayan. Ito na ang hudyat ng katapusan ng kolonyalismo ng Dutch sa mga isla ng Indonesia.
Kaya’t ang dahilan ng kolonyalismo ay monopolyo sa mga likas yaman na magagamit sa kalakalan ng Europe. Ang paraan naman ay ang pananakop sa pamaamagitan ng digmaan, at ang epekto naman ay ang paghihirap ng mga katutubo, pagbabago ng paraan ng pamumuhay patungo sa nakikita natin hanggang sa kasalukuyan.
Explanation:sana makatulong