sumulat ng tig limang pangungusap sa opinyon at katotohanan ayon sa mga nangyayari sa ating bansa sa taong kasalukuyan ang ng ibabaw sa inyo​

Sagot :

Answer:

Mga maling impormasyon at katotohanan tungkol sa Coronavirus (COVID-19)

Maling impormasyon tungkol sa bakuna laban sa COVID-19

MALING IMPORMASYON: Mapanganib ang mga bakuna laban sa COVID-19 at nagkaroon na ng mga malubha at masamang epekto sa mga nabakunahan sa ibang bansa

TOTOO: Ang Therapeutic Goods Administration ang nag-aapruba ng mga bakuna para gamitin sa Australya. Lahat ng mga bakuna ay lubusang sinusuri bago maaprubahan ang mga ito para magamit sa Auistralya. Kabilang dito ang maingat na pagsusuri ng mga datos sa mga klinikal na pagsubok, mga sangkap, kimika, pagmanupaktura at iba pang mga elemento. Ang impormasyo tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 ay makikita sa website ng TGA sa https://www.tga.gov.au/covid-19-vaccines

Dagdag pa sa pagtasa ng bawat batch ng mga bakuna laban sa COVID-19, sinusubaybayan ng Therapeutic Goods Administration ang mga bakuna para sa kaligtasan matapos silang maisuplay sa Australya. Ang Pamahalaang Australya ay nagmomonitor ding mabuti ng mga programa ng imyunisasyon sa ibang bansa, kabilang ang UK, Alemanya, at Norway. Magkakasama, ang impormasyon ay tutulong tiyakin na ang mga Australyano ay makakakuha ng isang ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19.

Kung ikaw ay daranas ng side effect mula sa bakuna, humingi ka ng tulong mula sa isang propesyonal ng kalusugan at i-report ito sa TGA (1300 134 237).

MALING IMPORMASYON: Maraming tao ang mamamatay dahil sa mga negatibong side effect kaysa sa mismong COVID-19.

TOTOO: Ang anumang bakuna ay magdudulot ng ilang mga banayad lang na side effect. Ang pangunahing mga side effect mula sa mga bakuna ay kaunting pananakit, pamumula o pamamaga sa bandang nainiksyunan, sakit ng ulo o bahagyang lagnat at pagkapagod. Karamihan ng mga ito ay mapapamahalaan gamit ang ilang banayad na pampaginhawa ng sakit at hindi kailangang maging sanhi ng pagkabahala.

Ang Therapeutic Goods Administration – ang tagapangasiwa ng mga gamot sa Australya –ay hindi mag-aapruba ng isang bakuna na hindi ligtas at di-epektibo. Isa sa mga bagay na kanilang tinitingnang mabuti ay ang malulubhang mga side effect.

Ang Australya ay may isa sa mga pinakamagaling sa mundo na proseso ng pag-apruba, at ang anumang gamot na magiging sanhi ng malubhang negatibong mga side effect ay hindi maaaprubahan sa bansang ito. Ang gawain ng TGA ay hindi tumitigil sa pag-apruba. Tinitingnan din nilang mabuti ang mga datos na nanggagaling sa ibang bansa at ang paggamit dito ng bakuna. Wala silang iniiwan sa tsansa.

Kung ikaw ay daranas ng side effect mula sa isang bakuna, humingi ng tulong mula sa propesyonal ng kalusugan at i-report ito sa TGA (1300 134 237).

MALING IMPORMASYON: Ginagamit ng Pamahalaan ang pag-rollout ng bakuna bilang panakip sa pagkolekta/pagbabago ng iyong DNA.

TOTOO: Ang mga bakuna ay iniiniksyon sa loob ng iyong katawan, at ang mga ito ay hindi nag-aalis ng anumang bagay mula sa iyong katawan, at hindi binabago ng mga ito ang iyong DNA. Ang ilan sa bagong mga bakuna laban sa COVID-19 ay gumagamit ng piraso ng Messenger RNA (mRNA) upang turuan ang iyong katawan na gumawa ng naturalesang pagtugon laban sa COVID-19. Ang mRNA ay hindi gumagawa ng anumang bagay sa iyong DNA.

MALING IMPORMASYON: Ang virus ay napakabilis na nagbabago na hindi tuloy gagana kailanman ang bakuna.

TOTOO: Lahat ng mga virus ay nagbabago. Ito ay normal na bahagi ng kanilang likas na ebolusyon, at ang COVID-19 ay hindi kakaiba. Batay sa ebidensya, ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay mananatiling mabisa laban sa bagong mga anyo (variants).

Maaaring mangahulugan ito na ang mga tao ay mangangailangan ng booster na iniksyon, o mangangailangang mabakunahang muli – gaya ng para sa trangkaso. Ang mga bakuna na aprubado kasalukuyan para gamitin sa Australya ay nagpakita na ang mga ito ay lubos na mabisa sa paghadlang ng malubhang karamdamang dulot ng COVID-19.

MALING IMPORMASYON: Ang mga tao na nagkasakit na ng COVID-19 at gumaling ay hindi kailangang mabakunahan.

TOTOO: Ang proteksyong nakukuha ng isang tao dulot ng pagkakasakit ng COVID-19 ay nagkakaiba-iba sa bawat tao. Dahil ang virus na ito ay bago, hindi natin alam kung hanggang kailan tatagal ang anumang likas na kaligtasan sa sakit. Kung ikaw ay nagkasakit na ng COVID-19, dapat ka pa ring magpabakuna laban sa COVID-19 kapag magagawa mo ito.

.

.