Sagot :
Answer:
medj mataas po toh piliin niyo nalang gusto nyong sentence
Explanation:
The Varsitarian
Filipino
Jose Rizal: Ugnay ng nakaraan, kasalukuyan
By Joselle Czarina S. de la Cruz and Malic U. Cotongan -December 15, 2018011293
(Dibuho ni Jury P. Salaya/The Varsitarian)
MAKALIPAS ang isang siglo mula nang ibuwis ni Dr. Jose Rizal ang kaniyang sariling buhay para sa Filipinas, patuloy pa rin sa kasalukuyan ang kanyang impluwensiya sa pagbuo ng nasyonalismo.
Siya ay isang magandang ehemplo para sa mamamayang Filipino dahil sa kaniyang “critical engagement” o malalim na pang-unawa tungkol sa iba’t ibang paksa, ayon sa isang historyador.
“Kung nabubuhay si Dr. Rizal ngayon, unang-una siya sa mga magkokomento ukol sa mga isyu sa ating lipunan. Bago niya gawin ‘yon nakapagsaliksik na siya at inalam na niya ang kabuuan ng mga isyung ito, kagaya ng ginawa niya noong ika-labinsiyam na siglo,” ani Eloisa de Castro, propesor mula sa Unibersidad, sa isang panayam sa Varsitarian.
Iginiit ni de Castro na makatutulong ang makabuluhang kamalayan sa pagtugon sa bawat isyu, lalo na sa pagkilates ng tama at mali.
“Kung wala kang malalim na kaalaman o pagkakaintindi ng konteksto, wala ka ring karapatan na magbigay ng opinyon, kasi nagdaragdag ka lang ng mas maraming kalituhan at hindi lang kalituhan kung hindi, you are a purveyor of fake news,” giit ni de Castro.
Ayon pa sa kaniya, nakapaloob din sa critical engagement ang malalim na kaalaman sa kasaysayan ng bansa.
“Kung mababaw ang pagkakakilanlan mo sa iyong sarili, mababaw ang kaalaman mo sa kasaysayan. Pinag-iiwanan tayo ng kasaysayan dahilan sa hindi natin siya pinapansin,” wika ni de Castro.
Wika ni de Castro, kung nabubuhay si Rizal ngayon, siguradong may opinyon siya mga napapanahong isyu sa bansa tulad ng extrajudicial killings, isyu sa South China Sea, estado ng politika at sa mga taong ginagawang biro ang kasaysayan.