II. Kilalanin kung anong uri ng pangungusap ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang paturol o
pasalaysay, patanong, pautos o pakiusap, at padamdam.
1. Ano ang maaari mong gawin mula sa mga basyong bote na ito?
2. Maaari nating salinang muli ng tubig at gawing inuminan ang mga iyan.
3. Wow! Magandang ideya yan!
4. Linisin mo na ang mga boteng ito para magamit.
5. Pakibilisan mo lang para masalinan na ng tubig.
6. Ano naman ang maaari nating gawin sa mga dyaryong ito?
7. Naku! Napakarami niyan para itapon.
8. Ibenta mo sa junkshop sa kanto at siguradong mabibili yan.
9. Pakitulungan mo naman akong magdala roon.
10. Sige, para malinis na rin ang bahay at hindi na ito makasikip pa sa atin​