Dugtungang Pagsasalaysay: Aralin 4.4 Huli: Isaisip: Dugtungang Pagsasalaysay. Gamit ang mga sumusunod na salita , dugtungan ang mga sumusunod na patlang upang makompleto ang buong pahayag sa buhay ni Huli.Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno
Tandang Selo Hermana Bali Hermana Penchang Tano
Huli Padre Camorra Kabesang Tales alipin
Basilio Manggahasa matapang tumalon
Sarili karapatan karunungan.

Si (1)__________ o mas kilala bilang Juliana ay anak ni (2)______________________. Siya ay apo ni (3) ____________________________ na napipi noong kasagsagan ng pasko dahil sa sobra nitong problema sa pamilya. Dahil sa pagkakakulong ni Kabesang Tales, napilitan ring maging guwardya sibil ni (4) _________________ ang kapatid na lalaki ni Huli. Sa mga pangyayaring naranasan ng pamilya, napilitang si Huli na maging (5) _________________________ kina (6)__________________________ para lang matubos ang ama nitong si (7)________________________________.
Habang nasa kumbento si Huli hindi niya mapigil ang sarili na makilabutan kapag naririnig niya ang pangalan ni (8) ________________________. Ito kasi ang nagtangkang (9)__________________ sa kanya. Laking kumbento si Huli ngunit dahil sa pagtatangka sa kanya ay napalayo ang loob niya sa kumbento. Tanging si (10)__________________ ang nagkumbensi kay Huli na bumalik sa kumbento para ipagpatuloy ang gawaing relihiyoso at ang paninilbihan sa mga prayle.
Isang gabi may isang nakagigimbal na pangyayari, isang dalaga ang nabalitaang (11)__________________________ sa bintana. Napag- alaman na ito’y si Huli.
Labis ang pagdaramdam ni (12)__________________ na kasintahan ni Huli dahil wala man lang siyang nagawa para tulungan ang kasintahan dahil sa panahong iyon nasa loob pa rin siya ng kulungan.
Ang pagsakripisyo ni Huli ay sumisimbolo sa pagiging (13)__________________, may paninindigan para sa (14)_______________________ para maipaglaban ang (15)_________________ ng bawat kababaihan.​