1. Ano-anong mga pangyayari ang nagdulot ng mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay-daan sa pagwawakas ng Batas Militar?

2. Sa iyong palagay, bakit kaya natapos ang Batas Militar sa bansa?


Sagot :

Answer:

1. Ano-anong mga pangyayari ang nagdulot ng mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay-daan sa pagwawakas ng Batas Militar?

                     Ang mga pangyayari na nagdulot ng mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay-daan sa pagwawakas ng Batas Militar ay ang iba’t- ibang suliranin na dinanas ng ating bansa gaya ng pagpapasabog sa Plaza Miranda habang nagkakaroon ng Meeting de Avance ang kalabang Partido ng administrasyon, mga kaguluhang naganap noong ikalawang termino ni Marcos, nawala ang karapatan sa pamamahayag ng mga tao at ang mga institusyon ng midya, maraming mga Pilipino ang pinahuli, pinarusahan at ikinulong. Ang isa pang nagpa-igting sa damdamin ng mga Pilipino ay noong Agosto 21, 1983 habang pababa ng eroplano si  Benigno “Ninoy” Aquino sa Manila International Airport, siya ay binaril at namatay. Sa pagkamatay ni Ninoy ay umusbong ang diwa ng EDSA.

2. Sa iyong palagay, bakit kaya natapos ang Batas Militar sa bansa?

                      Sa akin pong palagay kaya natapos ang Batas Militar sa bansa dahil sa pagkakaisa ng mga Pilipino upang tapusin ang malupit at hindi makatarungan na pamumuno ni Pangulong Marcos at sa desisyong pinili din ni Pangulong Marcos na lumisan ng bansa upang maiwasan na dumanak ang dugo kung lulusubin ng Militar ang EDSA.

Explanation:

sana po na ka tulong