B. Panuto: ibigay ang motibo ng may-akda sa mga sumusunod na mga
saknong mula sa akdang binasa. 2 puntos
1. Sinapit ding maginhawa ang landas na pasalunga;
Si Don Juan ay lumuhod na't tumawag sa Birheng Maria.
“Ako'y iyong kahabagan, Birheng kalinis-linisan
Nang akin ding matagalan itong matarik na daan!"
2. Kaylaki ng katuwaan ng matanda kay Don Juan,
Halos ito'y kanyang hagkan sa ganda ng kalooban.
Muli't muling pasalamat ang masayang binibigkas,
At sa nais makabayad sa prinsipe'y nagpahayag.
3. "Hindi kaya baga ito sa Diyos na sekreto?
Kawangis ni Jesucristo ang banal na ermitanyo!"
At nang sila'y makakain, ermitanyo ay nagturing;
"Don Juan, iyong sabihin ang layon mo't nang maligning​


Sagot :

Answer:

1. Pinapakita ng may-akda ang ilan sa katangian ng mga Pilipino, ang pagiging madasalin. Tayo ay humihingi ng saklolo sa kataas-taasan lalo na kung nilalandas natin ang sobrang pagsubok sa buhay na ang pakiramdam natin ay wala nang posibleng solusyon para dito.

2. Hindi maiwasan ang labis na galak kapag may taong tumulong sa ating pangangailangan. Bilang pagtanaw ng uatang na loob tayo din ay gagawa ng kabutihan para matulungan ang taong tumulong sa atin. Isa rin ito sa katangian ng mga Pilipino na nais maiparating ng may-akda.

3. Hindi maiwasan sa mga Pilipino na mamangha at humanga kung sakaling nakakaranas sila ng sitwasyon na sa palagay nila ay imposibleng mangyari na wari'y pakiramdam nila ay tila sila ay nanaginip lang. Isa rin ito sa katangian ng mga Pilipino na nais maiparating ng may-akda.

Explanation: