Ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan?Ipaliwanag ang bawat isa.

Sagot :

Ang pagkakaroon ng kaalaman sa maraming bagay ng  bawat isa sa lipunan ay nakapagdudulot ng mas matiwasay, mas maunlad at mas magandang lipunan. Kapag lahat ng tao ay may alam, malaki ang posibilidad na sila ay magkakaintindihan at magiging iisa ang hangarin nila sa lipunan kaya't magiging madali na lang gawin ang mga plano para sa ikabubuti nito. Bilang isang bahagi ng lipunan, mas maigi kung makikihalubilo o makisama ako sa iba' ibang tao sa lipunan upang magkaroon ako ng ideya kung paano ang gagawing para sa makamit ang layunin ng lipunan.  Sa kabilang banda, kapag hindi ginamit para sa mabuting layunin ang nalalalaman ng bawat isa ay paniguradong magiging problema ito sa lipunan.