Sagot :
Ang idyoma o sawikain ito ay bahagi ng ating panitikan na mula pa sa ating mga ninuno at hanggang ngayon ay nagpapasalin salin parin.Ang sawikain ay mga salita na hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ito ay di tuwirang pagbibigay ng kahulugan. Ngunit sa pamamagitan ng idyoma ay nakikilala ang yaman ng isang wika.
Ang kahulugan ng mga mga sumusunod na Idyoma
- Binhing nakatanim
- Pagtalunton
- Itinudla ng nakaraan
- Nag-uumapaw sa ating diwa
- Tangis ng pamaalam
- Ang binhing nakatanim ay nangangahulugan ng ipinamana o alalaala,tradisyo maari ring mga pangyayaring naganap sa nakalipas na pwedeng lumago o palaguin sa mga darating pang panahon.
- Ang Pagtalunton ay nangangahulugan ng pagsunod o pagtahak sa isang landas.
- Ang itinudla ng nakaraan ay nangangahulugan ng mga pangyayari sa nakaraan na hindi natin basta malilimutan. O maaring nakatatak na sa ating isipan.
- Ang kahulugan ng nag-uumapaw sa ating diwa ay labis labis,punong-puno o lubos na damdamin na gusto nating ipahayag at ipabatid sa iba.
- Ang kahulugan ng tangis ng pamaalam ay nangangahulugan ng pag-iyak, panaghoy dahil sa pagkakawalay o pagkakalayo.
Buksan para sa karagdagang kaalaman
Sampong halimbawa ng idyoma https://brainly.ph/question/690057
Halimbawa ng idyoma at pangungusap https://brainly.ph/question/41717
Kahulugan ng idyoma https://brainly.ph/question/246521