Sagot :
Ang parirala ay isang grupo ng mga salita na hindi mo masasabing pangungusap dahil hindi ito nagsisimula sa malalaking letra o titik, wala rin itong mga marka o bantas at may malabo o hindi buong diwa. Hindi katulad ng sa pangungusap na mas madaling maintindihan dahil ito ay binubuo ng mga bantas, malaking letra sa unahan ng salita at higit sa lahat, kumpleto at malinaw na diwa. Maaring matagpuan ang mga parirala sa loob ng mga pangungusap.
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap at parirala:
Parirala:
- nang awitin ko ito
- bibili tayo nang
- pupuntahan ko sa
- iba iba ang mga
- ang aso
Pangungusap:
- Nais ni Inay na mag aral akong mabuti upang maging maganda ang aking kinabukasan.
- Ugaliing maghugas ng kamay bago kumain upang maging malusog ang ating katawan at ligtas sa mga sakit.
- Magdasal tayo bago matulog upang magpasalamat sa mga biyayang natanggap natin mula sa Diyos.
- Ay! Mabuti na lamang at nakauwi tayo ng ligtas kahit napakalakas ng ulan sa labas.
- Maganda ang bagong laruan ng aking kaklaseng si Enzo.
Maraming uri ng mga parirala, ilan sa mga ito ay ang:
- Pariralang Pandiwa - ang mga uri ng parirala na may nakapaloob na pandiwa. Halimbawa: walang masabi
- Pariralang Pang-ukol - ang mga uri ng pariralang may pang -ukol. Halimbawa: mahapding sugat
- Pariralang Pawatas - uri ng pariralang binubo ng iba't ibang pandiwa. Halimbawa: nakatayo ako at ngawit na ngawit na ako
Para sa iba pang halimbawa ng pangungusap, basahin ang mga sumusunod:
- Pangungusap at uri ng pangungusap : https://brainly.ph/question/67056
- Pangalawang uri ng pangungusap : https://brainly.ph/question/517705
- Halimbawa ng uri ng pangungusap : https://brainly.ph/question/42076