Sagot :
Ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga taong may obligasyon sa kanyang amo ay mapatunayan niya na hindi niya nilulustay ang ari-arian ng kanyang amo.Kaya binawasan niya ang aktuwal na utang ng mga ito.
Ang mga pangyayari sa Ang Tusong katiwala ayon sa pagkakasunud-sunod
- Ang simula ng kuwentong ay nang ipinatawag ng kanyang amo ang katiwala dahil sa hindi daw maganda nitong pamamahala o pamamalakad sa negosyo at ari-arian kung kayat ito ay tatanggalin sa kanyang katungkulan. Ngunit kailangan muna na magbigay ang katiwala ng ulat tungkol sa mga nakaraang transaksyon nito.
- Ang pangyayari sa gitna ng kuwento ay noong nilapitan ng katiwala ang lahat ng tao na may pagkakautang sa kanyang amo. At ang lahat ng utang ng mga ito ay pinaliit niya ayon sa aktuwal na pagkakautang ng mga ito. Sapagkat kung matatanggal siya sa trabaho ay mayroon daw sa kanyang tatanggap at magpapatuloy.
- Sa wakas ng kuwento ay natuwa ang amo sa ginawa ng katiwala at hindi na ito nasesante.
Ang kuwentong Tusong Katiwala ay isang Parabula sapagkat ito ay kuwento na hango o mula sa banal na kasulatan at ito ay kapupulutan ng aral.
Mga nilalaman ng Parabula
- Parabula ito ay isang maikling kuwento na taliwas sa pabula dahil ang gumaganap dito ay mga tao at hindi mga hayop.
- Ang parabula ay naglalarawan sa mga katotohanan sa tunay na nangyayari sa ating paligid.
- Ito rin ay katulad ng pabula na kapupulutan mo ng aral.
Ang ilang Parabula na makikita mo sa Bibliya na kapupulutan talaga ng aral ay ang mga sumusunod:
- The Good Samaritan
- Prodigal Son
- Two Debtors
Buksan para sa karagdagang kaalaman
https://brainly.ph/question/399261
https://brainly.ph/question/132460
https://brainly.ph/question/141074