Ang mga Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad o ekpresyong posibilidad ay tawag sa mga salita, parirala, at/o pahayag na posible o maaaring mangyari.
Sa paggamit ng ekspresyong ito hindi nangangahulugan na tiyak na ang taong nagkuro o nagsalaysay. Mayroon pa ring agam-agam.
1. Baka
"Baka umulan. Magdala ka ng payong."
2. Pwede
"Pwede naman akong sumakay ng tricycle kung bumaha man."
3. Maaari
"Maaaring mag-Uber na lang ako mamaya para 'di talaga ako mabasa ng ulan pauwi."
4. Siguro
"Siguro gagamitin mo last free-ride promo mo sa Uber kaya naisip mo 'yan!"
5. Malamang
"Malamang talaga na gamitin ko ang promo dahil kapos na ako!"
6. Marahil
"Marahil bili ka nang bili ng pagkain sa Jollibee kaya hindi ka nakakaipon."
7. Tila
"Bakit tila galit ka na sa pagkain ko nauubos ang pera. Mas okay 'yun kesa sa mga materyal na bagay ko ginagasta."
8. Sa palagay
"Sa palagay ko ay mahihirapan ka ngang makaipon sa office mong ang mga katabi ay fastfood chains."
9. Posible
"Posible pa naman na makaipon ako kung magiging masarap ang mga tinda sa cafeteria namin."
10. May posibilidad
"Sa tingin mo ba ay may posibilidad na sumarap ang mga itinitindang ulam sa cafeteria na walang maayos na budget management?"