bakit mahalaga ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity sa lipunan

Sagot :

Ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity ay kapwa napakahalaga sa lipunan. Ang solidarity ay tumutukoy sa pagkakaroon ng pagkakaisa ng hangarin at balak para sa ikauunlad ng lipunan. Napakahalaga ng pagkakaisa sa lahat ng bagay lalo na sa pagpapalago ng lipunan sapagkat kapag hindi nagkakaisa ang mga hangarin ng mga mamamayan ay walang kaunlaran na magaganap dahil sa magkaibang kagustuhan ng mga tao kaya dapat malinaw ang iisang hangarin ng mga mamamayan. Ang subsidiarity naman ay tumutukoy sa paghihikayat ng mga maliliit na miyembro ng lipunan na makibahagi sa mga malalaking isyu at gayundin ang lipunan na sana bigyan ng karapatan ang mga lokal na makibahagi sa pagdedesisyon sa mga mahahalagang bagay tungkol sa lipunan.