Sagot :
Ang Asya(https://brainly.ph/question/821306) na pinakamalaking kontinente sa mundo at ang pagkakaibaiba ng mga bahagi nito sa isat isa ay isang komplikadong paksa. Sa laki nito, ang kinaroroonan, hugis, sukat, anyo , klima at vegetation cover ay halos magkakasanib at malawak ang nasasakupan.
Ang Hilagang Asya (North Asia) (https://brainly.ph/question/639812)ay halos ekslusibong nasasakop ng Siberia, na nakapaloob sa bansang Russia. May hugis ito na parang tuyog dahon dahil sa mga maliliit na isla sa itaas nito. Ito ay may sukat na mahigit sa 13,000,000 km2. Mga punong nagbubunga ng Pinecones ang mapapansin sa lugar na ito dahil sa malamig na klima. Ang anyo nito ay nababago depende sa panahon, tuwing dadaan ang sandaling summer, ito ay nagaanyong gubat, ngunit pagdating ng mahabang winter, namumuti ang lahat. Ang karamihan ng halaman at hayop sa lugar na ito ay hindi nalalayo sa mga natatagpuan sa Alaska at Canada, ang katotohanang ito ang nagbibigay tibay sa teorya ng land bridge (https://brainly.ph/question/366526 )
Sa sukat na mahigit 6,200,100 km2, ang Kanlurang Asya(West Asia) (https://brainly.ph/question/377858) ay may naiibang anyo dahil sa mainit at tuyot na klima, mapupunang halos ibat ibang uri ng kulay kayumanggi ang makikita sa lupaing ito. Ang mga halaman dito ay kinabibilangan ng mga punong nabubuhay sa hindi matubig na lugar tulad ng mga walnut,dates at plum. Mayroon ding tumutubo dito na mesquite. May matataas dito na bundok na puno snow tuwing tag lamig. Basag na kampana ang hugis ng West Asia at ito ay nasa ilalim ng Europe at nasa ibabaw ng Africa.
Sa itaas naman ng Indian Ocean ang kinalalagyan ng Timog Asya(South Asia) (https://brainly.ph/question/694465) or Indian Subcontinent kung tawagin ng iba. Sa hugis nito na tatsulok na hindi simetriko, at sa pagakakaibaiba ng mga katangian ng lupain sa bahagi ng Asya na ito, hindi pa malinaw kung gaano talaga kalaki ang nasabing lugar. Ang ibang bahagi nito ay tuyong disyerto, may makapal din na gubat dito at mga bundok na mayroong snow.
Ang Silangang Asya (East Asia) (https://brainly.ph/question/195990) ay may malapad na hugis, at mayroong 9 na bansa ang nakakasakop dito. Ito ay nasa Ilalim ng bansang Russia kayat hindI gaanong naiiba ang klima ng dalawa. Ang mga uri ng halaman at hayop ay hindi masyadong nagkakalayo. Mayroong mga puno ng Maple, Oak at mga halamang Tulips. Sa timog nito ay mayroon ng mga bamboo na tumutubo. Madalas na malamig ang klima dito. Ang bahaging ito Asya ay may sukat na higit sa 11,800,000 km2.
Masasabing walang tunay na hugis ang Timog Silangang Asya (Southeast Asia) (https://brainly.ph/question/371122) dahil malaking bahagi nito ay binubuo ng hiwahiwalay na malalaki at maliliit na mga isla. Ito ay may sukat na mahigit 4,400,900 km2. Dahil sa pagkakaroon ng mahalumigmig at mainit na klima, matinding tagulan at bagyo ang dumarating dito tuwing naiipon ang ulap sa Pacific Ocean. Ang laging pag-ulan ang dahilan kung bakit malaking bahagi ng mga lupaing ito ay likas na balot ng gubat. Ang South East Asia ay nasa ilalim ng China at umaabot sa Ibabaw ng bansang Australia (https://brainly.ph/question/536912).
Napakalaking piraso ng Lupa ang Asya kung kayat hindi madaling magpasya kung saan tunay na naguumpisa o nagtatapos ang isang uri ng klima, klase ng halaman, anyo at iba pang dibisyon na pinipilit na alamin ng sino man.