Sagot :
Answer:
Katangian ng Wika
Idyolek
Ang idyolek ay tumutukoy sa natatanging paraan ng pagsasalita ng isang indibidwal. Maaaring bigyan niya ito ng isang kakaibang pagbigkas o hindi naman kaya ay paggamit ng salita na siyang nakatutulong upang malaman ng mga tao na siya lamang ang natatanging nagsasalita nito sa paraang kanyang napili. Madalas, kapag narinig natin ang mga salitang ito ay nalalaman na agad natin kung sino ang nagsalita.
Ang ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod:
- "Excuse me po" ni Mike Enriquez
- "Magandang gabi, bayan" ni Kabayan Noli de Castro
- "Alam niyo ba na..." ni Kim Atienza
Dayalek
Ang dayalek ay ang barayti o pag kakaiba iba ng wika. Mayroong dalawang uri ng dayalek: ang rehiyonal na dayalek at ang dayalek sa loob ng isang wika mismo. Ang halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
- Dayalek ng wikang Ingles - Iba ang Ingles ng mga Amerikano, sa Ingles ng mga Pilipino, at Ingles ng mga taga Europa
- Dayalek ng wikang Tagalog - Iba ang Tagalog ng mga taga Manila sa Tagalog ng mga taga Laguna at sa Tagalog ng mga taga Batangas
Sosyolek
Sosyolek ang pagkakaiba sa paraan ng pagsasalita ng mga tao depende sa kung saang sosyal na estado sila kabilang. Halimbawa ang mga sumusunod:
- Gay Linggo - "Hay naku ka gurl, nakakajines ka"
- Internet language - "Lmk, hm, lol"
- Taglish - "Naisip ko kasi na what if magtravel na lang tayo?"
Etnolek
Ang etnolek ay tumutukoy sa pagkakaiba ng mga katutubong wika at ng mga etnikong nagsasalita nito. Mayroong dalawang klase nito:
- Etnolek base sa syntax ng wika
- Multiethnolect
Halimbawa ng etnolek ang sumusunod:
- Panghihiram ng salita - Ang paghiram natin ng salitang credit card mula sa mga banyaga
Pidgin
Ito ay tumutukoy sa wika na nabubuo mula sa dalawang wika na walang pagkakapareho. Halimbawa ang mga sumusunod na pidgin ng wikang Ingles:
- Hawaiian Pidgin English
- Japanese Bamboo English
- Japanese Pidgin English
- Korean Bamboo English
Creole
Ang creole ay natural na wika na nabubuo mula sa paghahalo ng dalawa o higit pang wika
- Halimbawa ang lingua franca
Sumangguni sa sumusunod na links para sa:
Iba pang halimbawa ng pidgin
https://brainly.ph/question/161248
Iba pang halimbawa ng creole
https://brainly.ph/question/748470
Kahulugan at kahalagahan ng wika
https://brainly.ph/question/120011