Sagot :
Answer:
5 HALIMBAWA NG SAWIKAIN
- Usad-pagong - Mabagal
- Alog na ang baba - Matanda Kamay na bakal
- Parang suman – masikip ang damit
- Basang sisiw – kaawa-awa, inaapi.
- Parehong kaliwa ang paa – hindi marunong sumayaw
5 HALIMBAWA NG SALAWIKAIN
- Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.
- Kapag may isinuksok, may madudukot.
- Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo.
- Kung may tinanim, may aanihin.
- Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sarili.
PAGKAKAIBA NG SAWIKAIN AT SALAWIKAIN
Ang sawikain o idiyoma ay mga salitang patalinhagang karaniwang ginagamit sa araw-araw. Ito ay nagbibigay ng di-tiyak na kahulugan ng salitang isinasaad nito. Ito’y nagbibigay ng di tuwirang kahulugan o nababalutan nang higit na malalim na kahulugan.
Samantalang ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magagandang aral at gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa. Ito ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng isang karanasan. Ito rin ay nag-uugnay lalong-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari na pwede nating gamitin sa totoong buhay.
IBA PANG HALIMBAWA NG SAWIKAIN
- Anak-dalita - mahirap
- Bukal sa loob - mabait
- Mahigpit na pamamalakad -- malupit
- Amoy ubas/Amoy tsiko - lasing
- Sariwa sa alaala - palaging naaalala, hindi makalimutan
- Bakas ng kahapon - Nakaraan, alaala ng kahapon
- Namamangka sa dalawang ilog - Salawahan, nangangaliwa
- Namamayabas - Hindi nag-aaral nang mabuti.
- Hinahabol ng karayom – may sira ang damit
- Parang suman – masikip ang damit
IBA PANG HALIMBAWA NG SALAWIKAIN
- Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy
- Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit
- Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa
- Lahat ng gubat ay may ahas
- Kung ano ang puno, siya ang bunga
- Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin
- Kung may isinuksok, may madudukot
- Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.
- Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo.
- Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:
Pagkakaiba ng Salawikain, Sawikain at Kasabihan: https://brainly.ph/question/12284
#BetterWithBrainly