Ang Myanmar ay
dating tinatawag na Burma. Ang Myanmar
ay ang pinakamalaking bansa sa lupaing nasa loob ng kontinente ng
Timog-silangang Asya. Napapaligiran ng Tsina sa hilaga, Laos sa silangan,
Thailand sa timog-silangan, Bangladesh sa kanluran, at Indiya sa
hilaga-kanluran. Ang Imperyo ng Burma ay inilatag sa Bagan o Pagan ng mga
Mraman o Burman noong ikasiyam na siglo. Pinaniniwalaang ang kahariang Pagan
ang naglatag ng pundasyon ng kahariang Burma.
Ang pangunahing kultura ng Myanmar ay ang Buddhist at
Bamar. Ang Bamar ay naimpluwensyahan ng kultura ng mga karatig bansa ng Myanmar.
Ang kanilang pambansang epiko, ang Yama Zatdaw, ay naggaling sa Ramakien ngIndia.
Monasteryo ang sentro ng kultural na buhay nila. Mataas ang pagtingin ng mga
tao samga monghe nila.