Ano ang mga patunay na ang pamilya ay likas na
institusyon ng pagmamahalan, pag tutulungan at pagsasabuhay ng pananampalataya
na nagpapaunlad ng pagkatao at pagpapahala.







Sagot :

Answer:

Mga patunay na ang pamilya ay likas na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan  at pagsasabuhay ng pananampalataya

  • Ang isang pamilya ay sinasabing institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan pagsasabuhay ng pananampalataya na nagpapaunlad ng pagkatao dahil ito ang sinasabing isang maliit na antas ng lipunan. Ito ang nagsilbing unang paaralan kung saan ang isang bata ay tumatanggap ng mga pangunahing halaga ng buhay tulad ng walang hanggang pagmamahal.  
  • Ang tanging nag-uugnay sa pamilya ay ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa. Ang isang pamilya ay pinagbubuklod ng pagmamahalan para sa isa't isa, at sa kahit anuman ang pagsubok na dumarating sa kanila nanatili pa ring magkakasama, nagtutulungan upang malampasan ang lahat ng mga problema.  
  • Kaya kahit magkalayo man, magkakaugnay pa rin ang kanilang buhay kahit, nanatiling iisa at buo at yun ay dahil sa pag-ibig at pagmamahalan na mayroon ang bawat isa at ito ang nagiging dahilan para maging matatag at maging matibay ang kanilang samahan.  
  • Sa pamilya rin napapaunlad ang pananampalataya ng bawat isa lalo na sa panahon na sinusubok ng mga pagsubok at problema.

Ang ating pamilya ang isa sa pinakamahalaga at pinakaimportanteng tao sa buhay ng bawat isa. Sila ang pinakamagandang regalo ng Panginoon sa atin. Dito rin nagmumula ang pakiramdam ng pagiging ligtas at payapa. Ang ating pamilya rin ang nagbubuklod sa bawat isa, sama-samang lumalaban sa kahit na anong pagsubok at hamon ang dumating sa bawat isa kaya napakahalaga ng ginagampanan ng ating pamilya sa ating buhay.

Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa link na:  

Kahalagahan ng pamilya sa ating buhay: brainly.ph/question/633076  

#LetsStudy